Dumalo ngayong araw, Lunes, ika-4 ng Nobyembre 2019, sa Bangkok, Thailand, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, sa Ika-22 Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, at Timog Korea o "10 plus 3."
Sinabi ni Li, na sa harap ng kasalukuyang masalimuot na kalagayang pandaigdig, dapat palakasin ng mga bansa ng "10 plus 3" ang pagkakaisa at pagkokoordinahan, para magkakasamang labanan ang mga panganib at hamon, palawakin ang espasyong pangkaunlaran, at ipagkaloob ang bagong sigla sa matatag na paglaki ng kabuhayan ng rehiyong ito at buong mundo.
Tinukoy din ni Li, na kailangang pag-ibayuhin ng mga bansa ng "10 plus 3" ang pagsisikap, para matamo ang mas maraming substansyal na bunga sa mga aspekto ng pagpapataas ng lebel ng rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan, pagpapasulong ng rehiyonal na konektibidad, pagpapatibay ng kooperasyong pinansyal, pagtataguyod sa sustenableng pag-unlad, at pagpapalakas ng pagpapalitan ng mga mamamayan.
Salin: Liu Kai