Bilang pagsalubong sa gaganaping Ika-2 China International Import Expo, inilabas kahapon, Linggo, ika-3 ng Nobyembre, 2019, sa Shanghai, ng China Media Group (CMG) ang dokumentaryong may pamagat na "Lunsod ng Magnolia."
Ang dokumetaryo ay ginawa ng CMG sa pamamagitan 8k ultra high definition. Lumahok sa seremonya ng pagpapalabas sina Shen Haixiong Presidente ng CMG; Zhou Huilin, Puno ng Departmento ng Publisidad ng CPC Shanghai Committee, at mga iba pang opisyal ng dalawang panig.
Ang magnolia ay city tree ng Shanghai. Sa pamamagitan nito, ipinakikita ng dokumentaryo ang diwa ng pagbubukas, inobasyon, at pagiging inklusibo ng Shanghai.
Salin: Liu Kai