Nakatakdang lumahok sa Ika-2 China International Import Expo (CIIE) na magbubukas bukas sa Shanghai, lunsod sa dakong silangan ng bansa ang delegasyon ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD). Bago lumisan ng Switzerland, punong himpilan ng UNCTAD, kinapayam si Mukhisa Kituyi, Pangkalahatang Kalihim ng UNCTAD, ng China Media Group (CMG).
Sinabi ni Kituyi, na sa ilalim ng di-matiyak na pandaigdig na kalagayan at bagong-litaw na unilateralismo at trade barriers, ang CIIE ay naglalatag ng plataporma ng pagpapasulong ng multilateral na kalakalan at mutuwal na kapakinabangan. Mayroon itong napakahalagang katuturan sa pagpapasulong ng pagluluwas ng mga umuunlad na bansa, diin ni Kituyi.
Mahigit 60 bansa at organisang pandaigdig na kinabibilangan ng Pilipinas ang kumpirmadong lalahok sa gaganaping CIIE. Sa unang CIIE noong 2018, lumahok din ang delegasyong Pilipino na pinangunahan ni Kalihim Ramon Lopez ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI).
Salin: Jade