Saandaang (100) bahay-kalakal mula sa mga umuunlad na bansa ang nakatakdang lumahok sa Ika-2 China International Import Expo (CIIE) na nakatakdang magbukas bukas sa Shanghai, lunsod sa dakong silangan ng Tsina.
Ito ang ipinahayag ng opisyal mula sa United Nations International Trade Center (UNITC) sa panayam kamakailan ng China Media Group (CMG) sa Switzerland. Layon nitong pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayan at kalakalan ng mga umuunlad na bansa, diin ng nasabing opisyal. Ang UNITC ay magkasamang itinatag ng UN at World Trade Organization.
Noong 2018, mahigit 90 kompanya mula sa mga umuunlad na bansa ang lumahok sa unang CIIE.
Sa taong ito, muling lalahok din sa CIIE ang delegasyong Pilipino na pangungunahan ni Kalihim Ramon Lopez ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI).
Salin: Jade