Bangkok, Thailand—Nagtagpo Lunes, Nobyembre 4, 2019 sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon.
Diin ni Li, dapat patingkarin ng Tsina at Hapon ang sariling bentahe, pasulungin at palalimin ang pragmatikong kooperasyon, para ibahagi ang pagkakataong pangkaunlaran. Nanawagan din siya sa pagtatatag ng mas malusog, matatag at sustenableng relasyong Sino-Hapones, at magkasamang pangangalaga sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Abe ang kahandaang palakasin ang pakikipagdiyalogo at pakikipag-ugnayan sa panig Tsino, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, at pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Salin: Vera