|
||||||||
|
||
Sa news briefing pagkatapos ng kanyang pagdalo sa isang serye ng mga pulong ng kooperasyon ng Silangang Asya, sinabi ni Le Yucheng, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na buong pagkakaisang ipinalalagay ng iba't ibang kalahok na panig na walang humpay na yumayaman ang nilalaman ng kooperasyon ng Silangang Asya, walang tigil na tumataas ang halaga nito, at nag-a-upgrade ang lebel.
Ani Le, ang ganitong pag-a-upgrade ay nakikita sa sumusunod na 6 na aspekto:
Una, nag-a-upgrade ang mekanismo ng kooperasyon. Matagumpay na hinarap ng mga mekanismong gaya ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina o "10 plus 1," ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea o "10 plus 3" at iba pa ang dalawang beses na krisis na pinansyal, at pinangalagaan ang kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon.
Ika-2, nag-a-upgrade ang integrasyon ng kabuhayang panrehiyon. Komprehensibong nagkabisa ang protokol hinggil sa pag-a-upgrade ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, natapos ng Tsina at New Zealand ang talastasan sa pag-a-upgrade ng kasunduan sa malayang kalakalan, at bumibilis ang proseso ng konstruksyon ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina, Hapon at Timog Kroea. Sumusulong ang mga bansa ng Silangang Asya tungo sa target ng pagtatatag ng East Asia Community.
Ika-3, nag-a-upgrade ang konektibidad.
Ika-4, nag-a-upgrade ang kooperasyon sa inobasyon.
Ika-5, nag-a-upgrade ang people-to-people exchanges.
At Ika-6, nag-a-upgrade ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |