Dumalo nitong Lunes, Nobyembre 4, 2019 sa Bangkok si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-3 Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) Summit.
Sa kanyang talumpati sa summit, sinabi ni Li na pagkaraan ng 7-taong pagsisikap, pormal na natapos ang talastasan ng 15 kasaping bansa ng RCEP. Aniya, ang nasabing mahalagang breakthrough ay makakatulong sa pagpapabilis ng mga bansa sa rehiyon ng proseso ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, at magkakasamang pagharap ng iba't ibang bansa sa mga panganib at hamong dulot ng pag-usbong ng proteksyonismo.
Ani Li, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng iba't ibang panig, na batay sa diwa ng pag-uunawaan, patuloy na lulutasin ang mga umiiral na problema sa proseso ng talastasan sa India, sa pamamagitan ng pagsasanggunian. Winewelkam ang pagsapi ng India sa RCEP sa lalong madaling panahon, dagdag ni Li.
Binigyan naman ng positibong pagtasa ng mga lider ng iba't ibang bansa ang natamong progreso ng RCEP. Buong pagkakaisang ipinalalagay nilang sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, ang pagtatapos ng talastasan sa RCEP ay makakapagpabuti sa kapaligiran ng kalakalan at pamumuhunan ng rehiyon, makakapagpasulong sa liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan, at makakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng rehiyon.
Salin: Vera