|
||||||||
|
||
Makaraan ang kanilang pagtatagpo nitong Martes, Nobyembre 5, sa Bangkok, magkasamang humarap sa mga mamamahayag sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Prayut Chan-ocha ng Thailand. Nakahanda ang dalawang bansa na palalimin ang relasyon at magkasamang tugunan ang mga hamon, para maisakatuparan ang komong kaunlaran at kasaganaan.
Kabilang sa mga pangunahing proyektong pangkooperasyon na ibayo pang pasusulungin ng dalawang bansa ang mas mainam na sinerhiya ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area ng Tsina at Eastern Economic Corridor (EEC) ng Thailand, konstruksyon ng daambakal sa pagitan ng dalawang bansa, kabuhaya't kalakalan, e-commerce, smart city, pagpapatupad sa batas, pagpapahupa ng karalitaan, at iba pa.
Nauna rito, kinatagpo ni Premyer Li si Chuan Leekpai, Presidente ng National Assembly at Ispiker ng House of Representatives ng Thailand.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |