Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga ministro ng tanggulang-bansa ng Tsina't Amerika, nag-usap sa telepono

(GMT+08:00) 2019-11-06 14:07:02       CRI

Nag-usap sa telepono nitong nagdaang Martes, Nobyembre 5, sina Wei Fenghe, Ministro ng Tanggulang-bansa ng Tsina at Mark Esper, Kalihim ng Depensa ng Amerika.

Sinabi ni Wei na ang pagtutulungan at win-win na resulta ay siyang tanging tumpak na pagpili ng relasyong Sino-Amerikano. Iminungkahi niyang tupdin ng dalawang hukbo ang mga narating na kasunduan ng dalawang puno ng estado para mapasulong ang relasyong militar bilang instrumentong tagapagtatag ng panlahat na ugnayan ng Tsina't Amerika.

Inulit din ni Wei ang paninindigan ng Tsina hinggil sa mga isyu ng Taiwan, South China Sea, Hong Kong, at Xinjiang.

Unang una, ipinahayag naman ni Esper ang pagbati sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Umaasa aniya siyang mapapahigpit ng dalawang panig ang estratehikong komunikasyon para magkasamang mapasulong ang ugnayang militar ng dalawang bansa.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>