|
||||||||
|
||
Nobyembre 5, 2019 - Tala ng Pagkober sa Ika-2 China International Import Expo (CIIE)
Pamagat - Ikalawang TNK
Trabaho Negosyo Kabuhayan
Pasado alas kuwatro ng hapon, Nobyembre 5, 2019 nang dumating kami ng kasamahan kong si Li Feng sa Renassaince Hotel, Shanghai upang ikober ang pagdaraos ng Ika-2 Trabaho Negosyo Kabuhayan (TNK).
Ang otel na ito ay napakaganda, komento ni Li Feng, at naupo muna kami sa bandang ibaba upang magkape at mamahinga.
Ilang sandali pa ay nagsimula nang dumating ang mga Pilipinong lalahok sa pagtitipon; kabilang sa kanila ang mga opisyal ng konsuladang Pilipino sa Shanghai, mga imbitadong tagapagsalita, at miyembro ng ibat-ibang organisasyong Pilipino sa lunsod.
Mga Pilipinong dumalo
Nang umakyat kami sa ikalawang palapag, kung saan idaraos ang aktibidad, nakasalamuha namin ang masasayang Pinoy, at magagalang na Tsinong trabahador ng otel, na nag-alok sa amin ng maiinom at makakain.
Sa aking pakikipag-usap, nagkaroon din ako ng pagkakataon upang ipamahagi ang aking aklat na pinamagatang "Tsina sa Aking Tingin" sa ilang Pinoy.
Damang-dama ko ang kanilang kasabikan upang matutunan ang kaalamang ibabahagi ng mga tagapagsalita.
Nang magsimula ang programa, lahat ay nakatutok at inspirado ang lahat.
Kalihim Ramon M. Lopez
Sa wakas, dumating ang pagkakataon kong kapanayamin si Kalihim Ramon M. Lopez ng Department of Trade and Industry (DTI): sinabi niyang ang Tsina ay isa sa mga pinakamabilis umunlad na malaking ekonomiya sa daigdig, at bansang nangunguna pagdating sa usapin ng globalisasyong pang-ekonomiya.
Ang bansa aniya ay may positibong atityud at tumatahak sa landas ng pagbubukas sa buong mundo, at ito ay may malaking trade surplus sa entablado ng padaigdigang kalakalan, kaya naman nais nitong papasukin ang ibat-ibang produkto mula sa ibat-ibang bansa ng daigdig.
Ito rin aniya ang dahilan ng pagdaraos ng CIIE.
"Ito na ang ikalawa, at nagsimula ito noong nakaraang taon. Ang intensyon ay umakit ng mas maraming pagluluwas mula sa ibang bansa upang mabalanse ang trade," dagdag ng kalihim.
Matapos ang panayam, sinabi ni Kalihim Lopez na naaala-ala pa niya ang aming panayam noong isang taon sa nakaraang TNK.
Masayang-masaya ako dahil muli ko siyang nakapanayam.
Siyempre, hindi ko pinalampas ang pagkakataon upang bigyan siya ng kopya ang aklat.
Reporter: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |