Sa kasalukuyan, nasa masusing panahon para sa pagsasakatuparan ng mahalagang breakthrough ang bagong round ng transpormasyong pansiyensiya, panteknolohiya at industriyal. Walang humpay na lumilitaw ang bagong porma at lakas-panulak ng kabuhayang pandaigdig, at malalimang pinaghahalu-halo ang siyensiya't teknolohiya at kabuhayan. Walang duda, ang China International Import Expo (CIIE) ay nagsisilbing isang mahalagang plataporma ng praktika. Sa unang CIIE, itinanghal, sa kauna-unahang pagkakataon, ang mahigit 100 modernong produkto, teknolohiya o serbisyo.
Sa kasalukuyan, dahil sa epekto ng pag-usbong ng unilateralismo at proteksyonismong pangkalakalan, lumalaki ang presyur ng pagbaba ng kabuhayang pandaigdig, at kailangang kailangan ang bagong makina ng paglaki. Ang iba't ibang modernong produkto na itinanghal sa CIIE ay nakapagbigay ng bagong lakas-panulak para sa paglago ng kabuhayang pandaigdig.
Sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga hadlang sa paggalaw ng mga elemento ng inobasyon na gaya ng kaalaman, teknolohiya at talento, pagpapalakas ng kooperasyon sa inobasyon, pagbabahagi ng mga bunga, at pagpapalakas ng pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), lilikha ang siyentipikong CIIE ng mas magandang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Vera