Ang pag-atake kay Junius Ho, miyembro ng Legislative Council ng Hong Kong, na tumatakbo rin sa re-election sa district council, ay grabeng nakakapinsala sa katarungan at kaligtasan ng halalan ng Hong Kong. Ipinakikita nito ang motibong pulitikal ng mga politikong naninindigan sa paghihiwalay ng Tsina, na apektuhan ang resulta ng halalan at agawan ang kapangyarihan, sa pamamagitan ng terorismo at karahasan. Ang ganitong aksyon ay labag sa batas. Ito rin ay hamon sa sistema ng halalan at pangangasiwa alinsunod sa batas ng Hong Kong.
Muli ring pinatutunayan ng insidenteng ito, na ang kasalukuyang pinakamahalagang tungkulin sa Hong Kong ay pagbibigay-wakas sa karahasan at kaguluhan, at pagpapanumbalik ng kaayusan. Kung walang ito, hindi kayang idaraos sa Hong Kong ang makatarungan at ligtas na halalan.
Salin: Liu Kai