Ipinahayag nitong Lunes, Oktubre 21, 2019 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na isang istandard at isang pakikitungo lang ang dapat gamitin para ayusin ang mga marahas at ilegal na aksyon. Ang pagsasagawa ng double standard sa isyung ito ay makakapinsala lamang sa sarili at ibang panig sa wakas, diin niya.
Unti-unting naging magkapareho ang mga aktibidad ng demonstrasyon na naganap kamakailan sa Cataluña ng Espanya at London ng Britanya. Lalung lalo na, lumitaw ang ilang marahas at ilegal na aksyong gaya ng pagsunog, pagharang ng paliparan, at pagsira ng mga tindahan. Inihayag ng mga marahas na demonstrador sa lokalidad na kinopya nila ang umano'y "karanasan ng Hong Kong," at gusto maging "ika-2 Hong Kong." Pero nananatiling tahimik ang mga kanluraning personaheng pulitikal at media tungkol dito. Ipinalalagay nilang ang pagkaganap ng ganitong insidente sa Hong Kong ay "demokrasya at kalayaan," pero "karahasan at kaguluhan" ang mga ito kung magaganap sa mga bansang kanluranin.
Kaugnay nito, tinukoy ni Hua ang umano'y demokrasya at karapatang pantao ay katwiran lamang na ginagamit ng mga bansang kanluranin para pakialamanan ang mga suliranin ng Hong Kong.
Salin: Vera