Ipinahayag Linggo, Nobyembre 3, 2019 ng panig pulis ng Hong Kong na mahigpit nitong kinondena ang nangyaring marahas na demonstrasyon at aksyon sa mga lugar ng Hong Kong Island at Kowloon. Hanggang kaninang madaling araw, inaresto na ng panig pulis ang mahigit 200 radikal na demonstrador. Ang kanilang pinaghihinalaang krimen ay kinaibilangan ng ilegal na pagrali, pagtatago ng mga sandata, pagsisira sa mga pampublikong kagamitan, paggamit ng maskara sa lugar ng ilegal na demonstrasyon, at iba pa.
Tinukoy ng panig pulis ng Hong Kong na ang mga ginagawa ng mga rioters ay grabeng nakakasira sa kaayusang panlipunan at nakakaapekto sa pamumuhay ng mga residente. Anito pa, alinsunod sa batas, isasagawa ng panig pulis ng Hong Kong ang buong tinding aksyon para mapanumbalik ang kaayusang panlipunan at mabigyang-parusa ang mga kagagawan sa mga ilegal na aksyon.