Ipininid kahapon, Linggo, ika-10 ng Nobyembre 2019, sa Shanghai, lunsod sa silangang Tsina, ang Ika-2 China International Import Expo (CIIE).
Nagtanghal sa 6-araw na ekspong ito ang 181 bansa, rehiyon, at organisasyong pandaigdig, kasama rin ang mahigit 3800 kompanya. Bumisita naman sa ekspo ang mahigit 500 libong propesyonal na mamimili mula sa loob at labas ng Tsina.
Ayon kay Sun Chenghai, Pangalawang Puno ng China International Import Expo Bureau, nalagdaan sa kasalukuyang ekspo ang mga kasunduan at kontrata ng intensyon na nagkakahalaga ng mahigit 71.1 bilyong Dolyares, na mas malaki ng 23% kumpara sa unang CIIE.
Salin: Liu Kai