Dumalo nitong Lunes, ika-11 ng Nobyembre 2019, sa Athens, Greece, sina Pangulong Xi Jinping at Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina, sa maringal na bangketeng inihandog ng Pangulong Griyego na si Prokopis Pavlopoulos at kanyang asawa.
Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Greece, ipinahayag ni Pavlopoulos ang mainit na pagtanggap kina Xi at Peng. Sinabi rin niyang, nagbukas ang pagdalaw na ito ng bagong kabanata ng relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa, at umaasa ang Greece, na palalakasin kasama ng Tsina ang pagpapalitan at pagtutulungan.
Ipinahayag naman ni Xi ang pag-asang, sa pamamagitan ng pragmatikong kooperasyon at diyalogo ng mga sibilisasyon, pasusulungin ng Tsina at Greece ang komprehensibo at estratehikong partnership, at magbibigay ng bagong ambag para sa kapayapaan at kasaganaan ng daigdig.
Salin: Liu Kai