Nang makipagtagpo Punong Ministro Kyriakos Mitsotakis ng Greece nitong Lunes, Nobyembre 11, 2019 sa Athens, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat palawakin ng panig Tsino't Griyego ang bi-direksyonal na kalakalan at pamumuhunan, at palakasin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng koryente, telekomunikasyon, industriya ng pagyari, pinansya at iba pa. Nakahanda aniya ang panig Tsino na angkatin ang mas maraming de-kalidad na produktong agrikultural ng Greece, at himukin ang mas maraming bahay-kalakal na Tsino na mamuhunan sa Greece.
Winewelkam naman si Pavlopoulos ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino. Umaasa aniya siyang magiging pinto ang Greece sa pagpasok ng Tsina sa pamilihang Europeo.
Nang araw ring iyon, magkasamang sumaksi ang dalawang lider sa paglagda sa mga dokumentong pangkooperasyon sa mga larangang gaya ng bilateral na pamumuhunan, puwerto, pinansya, enerhiya, edukasyon at iba pa.
Salin: Vera