|
||||||||
|
||
Nitong Martes, Setyembre 17, 2019, nagtalumpati ang ilang taga-Hong Kong sa pagdinig ng Kongresong Amerikano at Congressional Executive Commission on China (CECC) na gumawa ng akusasyong grabeng taliwas sa katotohanan ng marahas na demonstrasyong nangyayari kamakailan sa Hong Kong. Hinihingi rin nila ang pagpapatibay ng Kongresong Amerikano sa panukalang batas ng "Hong Kong Human Rights and Democracy Act."
Kaugnay nito, ipinahayag ng tagapagsalita ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang lubos na kalungkutan. Inulit din niya na hindi dapat panghimasukan ng dayuhang kongreso ang suliraning panloob ng HKSAR sa anumang porma.
Sinabi ng tagapagsalitang ito na sapul nang bumalik ang Hong Kong sa inangbayan, palagian at mahigpit na tinutupad ng HKSAR ang "pamamahala ng mga taga-Hong Kong sa Hong Kong" at mataas na antas ng awtonomiya na lubusang nagpapakita ng komprehensibo at matagumpay na pagsasakatuparan ng patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" sa Hong Kong. Aniya, ang karapatang pantao at kalayaan ay lubusang naigagarantiya ng Saligang Batas, "Hong Kong Bill of Rights Ordinance," at iba pang batas sa Hong Kong. Lubos na pinahahalagahan at puspusang pinangangalagaan ang mga ito ng pamahalaan ng HKSAR, dagdag pa niya.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |