Nitong Linggo, Nobyembre 10, 2019, organisadong sinira ng mga radikal ang mga instalasyong pampubliko at mga tindahan sa maraming purok ng Hong Kong. Sinalakay nila ang mga pulis at hinarangan ang mga lansangan. Mariin itong kinondena ng panig pulisya ng Hong Kong kaninang madaling araw.
Hanggang alas 11:30 kagabi, inaresto ng panig pulisya ang 88 kataong ay may kinalaman sa krimen ng ilegal na pagtitipun-tipon, pagtatago ng sandatang panalakay, kriminal na pagsira at iba pa.
Inulit ng panig pulisya na hinding hindi pahihintulutan ang sinuman ng na gumamit karahasan para maisakatuparan ang anumang layunin. Anito, buong tatag na ipapatupad ang batas para mapanumbalik ang kaayusang panlipunan, at pananagutin sa batas ang lahat ng mga ilegal na aksyon.
Salin: Vera