Nitong Miyerkules, Nobyembre 13 (local time), 2019, dumalo at bumigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagpipinid ng BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa) Business Forum na ginanap sa Brasilia, Brazil.
Tinukoy ni Xi na nitong panahong nakalipas, lumitaw ang maraming pagbabago sa situwasyong pandaigdig, at dumarami nang sabay ang mga bagong pagkakataon at hamon. Umaasa aniya siyang sasamantalahin ng mga personahe sa sirkulong industriyal at komersyal ang pagkakataon at magkakasamang haharapin ang mga hamon para mapasulong ang kooperasyong pangkabuhayan ng mga bansang BRICS at makapagbigay ng aktuwal na ambag para sa pagpapasulong ng paglaki at paglilikha ng mga trabaho.
Ipinagdiinan pa ni Xi na ang pag-unlad ng Tsina ay nagsisilbing pagkakataon para sa buong daigdig. Aniya, hindi nagbabago ang determinasyon ng Tsina sa pagpapalawak ng pagbubukas. Ibayo pang bubuksan ng Tsina ang pamilihan nito, palalawakin ang pag-aangkat, at walang humpay na pabubutihin ang kapaligirang pangnegosyo, dagdag pa niya.
Halos 600 kinatawan mula sa sirkulong industriyal at komersyal ng mga bansang BRICS ang dumalo sa nasabing seremonya ng pagpipinid.
Salin: Li Feng