Sa sidelines ng Ika-11 BRICS Summit sa Brasilia, Brazil, nagtagpo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Jair Bolsonaro ng Brazil. Kapuwa ipinahayag nina Xi at Bolsonaro ang kasiyahan sa progreso ng pagpapatupad ng mga narating na kasunduan sa dalaw-pang-estado ni Bolsonaro kamakailan sa Tsina. Nakahanda anila ang dalawang bansa na pahigpitin ang pagtutulungan sa imprastruktura, digital economy, bagong henerasyong telekomunikasyon, material science, biotechnology, earth resources satellite, at iba pa.
Pagkatapos ng pagtatago, magkasamang humarap sa mga mamamahayag ang dalawang pangulo, at sumaksi sa paglalagda ng serye ng kasunduang pangkooperasyon.
Salin: Jade
Pulido: Mac