Sa paanyaya ni Michelle Bolsonaro, Unang Ginang ng Brazil, dumalaw sa Palácio da Alvorada, palasyong pampanguluhan ng bansa si Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina, kasama ni Tshepo Motsepe, Unang Ginang ng Timog Aprika.
Nanood din ang mga unang ginang ng pagtatanghal ng orkestra ng mga batang Brasilyo, at nakipagpalitan sa kanila. Sinabi ni Peng na salamat sa mga aktibidad, ibayo pang nararamdaman niya ang bighani ng kultura at sining ng Brazil. Sa pamamagitan ng pagsamantala ng okasyon ng ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina't Brazil ngayong taon, iba't ibang selebrasyong pansining ang idinaraos ng dalawang bansa. Lubos na kinagigiliwan ang mga ito ng mga mamamayan ng dalawang bansa, dagdag pa ni Peng. Umaasa aniya siyang mapapalawak ng magkabilang panig ang pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura para paglapitin ang mga mamamayan at panatilihin ang kanilang pagkakaibigan.
Salin: Jade
Pulido: Mac