Ipinahayag nitong Huwebes, Nobyembre 14, 2019 ng panig pulisya ng Hong Kong na patuloy na isinagawa ng mga radikal ang aksyon ng pagsira sa maraming lugar ng Hong Kong, at naglagay ng harang sa mga lansangan sa magkakaibang sona. Bukod dito, sinadya nilang ibinato ang mga bagay sa mga residenteng nag-aalis ng mga blokeyo sa mga lansangan, at grabeng sinira ang seguridad at kaayusang pampubliko.
Dahil sa pagpapatuloy ng kondisyon ng paghadlang sa trapiko, ipinatalastas sa araw ring ito ng Kawanihan ng Edukasyon ng Pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na alang-alang sa seguridad, mula ika-15 hanggang ika-17 ng buwang ito, suspendido ang mga klase sa mga paaralan ng Hong Kong na kinabibilangan ng mga kindergarten, primary school, high school at special school.
Muling nanawagan ang Kawanihan ng Edukasyon na itigil ang lahat ng mga karahasan at aksyon ng pagsira, panumbalikin ang kaayusan ng lipunan sa lalong madaling panahon, at pabalikin nang ligtas ang mga estudyante sa paaralan.
Salin: Vera