Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid ng BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa) Business Forum na ginanap sa Brasilia, Brazil nitong Miyerkules, Nobyembre 13, 2019, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kailangang kailangan ang partnership ng BRICS sa bagong rebolusyong industriyal para sa kooperasyong pangkabuhayan ng BRICS sa susunod na yugto.
Sa Summit ng BRICS sa Johannesburg, Timog Aprika noong isang taon, iniharap ni Pangulong Xi ang mungkahi hinggil sa magkakasamang pagtatatag ng partnership ng BRICS sa bagong rebolusyong industriyal, at ito ay isinulat sa deklarasyon ng summit. Ang nasabing mungkahi ay hindi lamang nakakatugon sa pangangailangan ng bagong round ng rebolusyong pansiyensiya't panteknolohiya at transpormasyong industriyal, kundi nakakabuti rin sa pagpapalawak ng mga bansa ng BRICS ng bagong larangan ng kooperasyon. Bukod dito, pinapatingkad din nito ang bentahe sa pagkokomplemento ng BRICS at bisa ng koordinasyon, at pinapabilis ang paghalili ng bagong lakas-panulak sa lumang lakas-panulak, at pagbabago't pag-a-upgrade ng industriya.
Kasunod ng pag-unlad ng kabuhayan, seguridad na pulitikal, people-to-people cooperation, ang partnership ng BRICS sa bagong rebolusyong industriyal ay nagsisilbing ika-4 na tagapagsuporta sa kooperasyon ng BRICS.
Hindi nagbabago ang determinasyon ng Tsina sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, at hindi rin nagbabago ang kalagayan ng pagtungo ng kabuhayang Tsino sa mainam na direksyon sa mahabang panahon. Pinapatnubayan ng Tsina ang pagpapalawak ng kooperasyon ng BRICS, sa pamamagitan ng kompiyansa at aksyon, at pinapasigla ang komong kaunlaran ng mga bansa ng BRICS.
Salin: Vera