Ipinahayag ngayong araw, Biyernes, ika-15 ng Nobyembre 2019, ni Meng Wei, Tagapagsalita ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na nitong nakalipas na mga buwang, mabilis na tumataas ang presyo ng ilang uri ng pagkaing kinabibilangan ng karne ng baboy, at nagresulta ito sa malaking pagtaas ng Consumer Price Index (CPI) ng Tsina.
Sinabi rin ni Meng, na ang presyo ng karne ng baboy ay may malaking kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan. Isinasagawa aniya ng kanyang komisyon, kasama ng mga may kinalamang departamento, ang mga hakbangin, para igarantiya ang katatagan ng pamilihan ng karne ng baboy, at bawasan ang epektong dulot ng isyung ito sa pamumuhay ng mga mamamayang mababa ang kita.
Salin: Liu Kai