Ayon sa Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, ang Consumer Price Index (CPI) ng bansa noong Oktubre ay lumaki ng 3.8% kumpara sa gayon ding panahon ng nagdaang taon, at ito rin ay mas malaki ng 0.8% kaysa CPI noong Setyembre.
Kaugnay nito, sinabi ngayong araw, Huwebes, ika-14 ng Nobyembre 2019, ni Tagapagsalita Liu Aihua ng nabanggit na kawanihan, na ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain ay pangunahing sanhi ng malaking pagtaas ng CPI noong Oktubre, at sa mga pagkain, pinakamabilis ang pagtaas ng presyo ng karne ng baboy. Ang presyo nito noong Oktubre ay nagdoble kumpara sa presyo noong gayon ding panahon ng nagdaang taon, dagdag ni Liu.
Sinabi rin ni Liu, na isinasagawa ng iba't ibang antas ng mga pamahalaan ang mga hakbangin, para igarantiya ang pagsuplay ng karne ng baboy, at patatagin ang presyo nito.
Salin: Liu Kai