|
||||||||
|
||
Ayon sa estadistikang inilabas nitong Huwebes, Nobyembre 14, 2019 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong unang 10 buwan ng taong ito, nananatiling matatag sa kabuuan at may paglago ang takbo ng pambansang kabuhayan. Kabilang dito, matatag na lumago ang industriya ng serbisyo ng Tsina, at nananatiling mainam ang tunguhin ng paglaki ng industriya ng modernong serbisyo; tuluy-tuloy na lumaki ang industriya, at may kabilisang lumago ang mga bagong industriya at bagong produkto; matatag na lumawak ang pagbebenta sa pamilihan, at sumigla ang online retail ng mga paninda at konsuno sa serbisyo; nananatiling matatag sa kabuuan ang paglaki ng pamumuhunan, at tuluy-tuloy at may kabilisang tumaas ang pamumuhunan sa hay-tek na industriya at larangan ng lipunan. Samantala, mula noong Enero hanggang Oktubre, lumaki ng 14.2% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon ang pamumuhunan sa hay-tek na industriya. 11.93 milyong bagong hanap-buhay ang nalikha sa mga lunsod at nayon ng buong bansa, at maagang naisakatuparan ang target ng pagdaragdag ng mahigit 11 milyong hanap-buhay sa mga lunsod at nayon sa buong taon. Ang Consumer Price Index (CPI) ng bansa noong Oktubre ay lumaki ng 3.8% kumpara sa gayon ding panahon ng nagdaang taon, at ito rin ay mas malaki ng 0.8% kaysa CPI noong Setyembre.
Sa ilalim ng kasalukuyang kalagayang bumagal ang paglago ng kabuhayang pandaigdig, at medyo marami ang di-matatag at di-tiyak na elemento sa labas, napakahirap na panatilihin ng kabuhayang Tsino ang malusog at matatag na paglago, bagay na nagpapakita ng napalaking kakayahang bumangon at potensyal nito.
Noong nagdaang 10 buwan, kahit bumaba sa kabuuan ang kabuhaya't kalakalang pandaidig, napanatili pa rin ng kalakalang panlabas ng Tsina ang may kabilisang paglaki. Samantala, tuluy-tuloy na bumuti ang estruktura ng kabuhayang Tsino, mainam ang tunguhin ng paglago ng industriya ng modernong serbisyo, at malinaw ang tunguhin ng pag-a-upgrade ng industriya. Ang pagtaas ng kakayahan sa konsumo ay nagsisilbi ring puwersang tagapagpasulong sa kabuhayan ng bansa.
Ang ganitong resulta ng kabuhayan noong unang 10 buwan ng kasalukuyang taon ay sanhi ng unti-unting pagkakabisa ng mga patakaran sa counter cyclical adjustment at walang humpay na pagpapatingkad ng kasiglahan ng mga bahay-kalakal.
Sa kasalukuyan, mas pinahahalagahan ng Tsina ang pagkabalanse sa pagitan ng pangangailangang panloob at panlabas, at konsumo't pamumuhunan, at pinag-uukulan din ng mas malaking pansin ang innovation-driven development. Hindi nagbabago ang batayan ng pagtungo ng kabuhayang Tsino sa mas magandang direksyon sa mahabang panahon, at may kakayahan itong isakatuparan ang inaasahang target sa buong taon, at walang humpay na isakatuparan ang de-kalidad na pag-unlad.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |