|
||||||||
|
||
Sa kanyang mensaheng pambati kamakailan sa "Understanding China" Guangzhou Conference sa taong 2019, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa kasalukuyan, nahaharap ang globalisasyong pangkabuhayan sa ilang kahirapan, ngunit hindi magbabago ang tunguhin ng globalisasyong pangkabuhayan, at nagiging komong inaasahan ng mga mamamayan ng iba't-ibang bansa ang walang humpay na paglikha ng mas magandang pamumuhay.
"Understanding China" Guangzhou Conference
Ang nasabing pananalita ni Xi ay muling nagpalabas ng "tinig ng Tsina," na buong tatag na sumusuporta sa globalisasyon at patuloy na nagpapalawak ng pagbubukas. Ito ay hindi lamang nakakatulong sa pagkakaroon ng komunidad ng daigdig ng komong palagay, kundi nakakapagpasulong din sa globalisasyong pangkabuhayan.
Bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang Tsina ay hindi lamang nakikinabang sa globalisasyon, kundi maging tagapag-ambag din. Ngayon, ang Tsina na nagpasimula ng bagong round ng reporma at pagbubukas sa labas, ay patuloy na magkakaloob ng puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig para makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa mga mamamayan ng iba't-ibang bansa.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |