Ayon sa estadistikang inilabas nitong Huwebes, Nobyembre 14, 2019 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, mula Enero hanggang Oktubre, 11.93 milyong bagong hanap-buhay ang nalikha sa mga lunsod at nayon ng buong bansa, at maagang naisakatuparan ang target ng pagdaragdag ng mahigit 11 milyong hanap-buhay sa mga lunsod at nayon sa buong taon.
Ipinakikita ng estadistika na noong unang 10 buwan ng kasalukuyang taon, matatag na lumago ang industriya ng serbisyo ng Tsina, at nananatiling mainam ang tunguhin ng paglaki ng industriya ng modernong serbisyo; tuluy-tuloy na lumaki ang industriya, at may kabilisang lumago ang mga bagong industriya at bagong produkto; matatag na lumawak ang pagbebenta sa pamilihan, at sumigla ang online retail ng mga paninda at konsuno sa serbisyo; nananatiling matatag sa kabuuan ang paglaki ng pamumuhunan, at tuluy-tuloy at may kabilisang tumaas ang pamumuhunan sa hay-tek na industriya at larangan ng lipunan. Kabilang dito, mula noong Enero hanggang Oktubre, lumaki ng 14.2% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon ang pamumuhunan sa hay-tek na industriya.
Salin: Vera