Ayon sa proklamasyong inilabas nitong Biyernes, Nobyembre 15, 2019 ng Singapore Business Federation, nakuha ng mga eksibitor ng Singapore ang kapansin-pansing bunga sa katatapos na Ikalawang China International Import Expo (CIIE). Lumampas sa 1.3 bilyong Yuan, RMB ang kabuuang halaga ng nalagdaang kontrata.
Samantala, 84 na bahay-kalakal ng Singapore mula sa iba't-ibang sirkulong gaya ng lohistika, komunikasyon, pinansya, edukasyon, kalusugan, pagkain, siyensiya't teknolohiya, ang lumahok sa Ika-2 CIIE. Ito ay mas malaki ng 12% kumpara sa nagdaang CIIE noong 2018.
Salin: Li Feng