Sa komentaryong inilabas kahapon, Linggo, ika-17 ng Nobyembre 2019, ng China Central Television (CCTV), ipinakita anito ng pahayag kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang malinaw at malakas na paninindigan ng pamahalaang sentral sa pagtigil ng karahasan at kaguluhan sa Hong Kong.
Ayon pa rin sa komentaryo, pinaliwanag ni Pangulong Xi ang tatlong pangunahing pinsala ng walang-tigil na karahasan at kaguluhang nagaganap sa Hong Kong. Ang mga ito ay una, pagyurak sa pangangasiwa ayon sa batas at kaayusan ng lipunan; ikalawa, pagsira sa kasaganaan at katatagan ng Hong Kong; at ikatlo, paghamon sa patakarang "Isang Bansa Dalawang Sistema."
Salin: Liu Kai