Sa pahayag na inilabas kamakailan, pinaliwanag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang tatlong pangunahing pinsala ng walang-tigil na karahasan at kaguluhang nagaganap sa Hong Kong. Ang mga ito aniya ay una, pagyurak sa pangangasiwa ayon sa batas at kaayusan ng lipunan; ikalawa, pagsira sa kasaganaan at katatagan ng Hong Kong; at ikatlo, paghamon sa patakarang "Isang Bansa Dalawang Sistema."
Dahil sa layong lumikha ng kaguluhan sa Hong Kong at magpataw ng presyur sa Tsina, isinasagawa ng ilang politiko ng ilang bansang kanluranin ang double standard sa kasalukuyang pangyayari sa Hong Kong, at binabaligtad ang tama at mali. Tinatawag nila ang mga maykagagawan ng karahasan na "nagpupunyagi para sa demokrasya," at itinuturing ang mga marahas na krimen na "aksyon ng paghahangad ng demokrasya." Pero sa katotohanan, hinarangan ng mga radikal ang mga lansangan, subway, at paliparan; sinira ang mga pasilidad na pampubliko; isinagawa ang panununog; at inatake ang mga pulis at sibilyan. Ang mga aksyong ito ay lampas na sa saklaw ng mapayapang demonstrasyon, nanghahamon sa hangganan ng konsiyensiya at moralidad, at nakakapinsala rin sa demokrasya at kalayaan ng mga mamamayan ng Hong Kong.
Sa bukas na okasyon sa daigdig, pinaliwanag ni Xi ang mga pangunahing pinsala ng karahasan sa Hong Kong. Makakatulong ito sa pagkaunawa ng komunidad ng daigdig sa katotohanan ng kasalukuyang kaguluhan sa rehiyong ito. Iniharap din ng Pangulong Tsino, na ang kasalukuyang pinakapangkagipitang tungkulin sa Hong Kong ay ang pagtigil ng karahasan at pagpapanumbalik ng kaayusan. Itinuro nito ang direksyon at paraan ng pagpapatatag ng kalagayan sa Hong Kong. Sa ilalim ng matatag at di-magbabagong pagsuporta ng pamahalaang sentral, at sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng iba't ibang sirkulo, tiyak na panunumbalikin ang kaayusan sa Hong Kong at igigiit ang "Isang Bansa Dalawang Sistema."
Salin: Liu Kai