|
||||||||
|
||
Sa kanyang pagdalo kamakailan sa Ika-11 Pagtatagpo ng mga Lider ng mga Bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa) sa Brasilia, Brazil, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang nagaganap na radikal at marahas na kilos kriminal sa Hong Kong ay grabeng lumalapastangan sa batas at kaayusang panlipunan, grabeng nakakasira sa kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, at grabeng humahamon sa bottom line ng prinsipyong "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Sinabi ni Xi na ang pagtigil sa kaguluhan at pagbalik ng kaayusan ay kasalukuyang pinakamahalagang tungkulin ng Hong Kong. Aniya, patuloy at buong tatag na susuportahan ng pamahalaang sentral ang pangangasiwa ng Punong Ehekutibo sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) alinsunod sa batas, buong tatag na kakatigan ang panig pulis sa mahigpit na pagpapatupad ng batas, at buong tatag ding kakatigan ang mga organong hudisyal ng Hong Kong sa pagbibigay-parusa sa mga kriminal ainsunod sa batas.
Ang tatlong nabanggit "grabe" ay malinaw na nagbubunyag ng katotohanan at napakalaking pinsala sa insidente ng pagsusog sa extradition bill; samantalang ang tatlong "buong tatag na pagkatig" ay malinaw ding nagpapakita ng posisyon ng pamahalaang sentral sa pagkatig sa pamahalaan ng HKSAR, sa paghawak nito sa isyu, alinsunod sa batas. Ito ang unang pagkakataong inilabas sa bukas na okasyong pandaigdig ng pinakamataas na lider ng Tsina ang malinaw na signal hinggil sa isyu ng Hong Kong.
Ang mga suliraning ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina. Hindi dapat maliitin ng sinuman ang matatag na kusang-loob at determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa soberanya, seguridad, at kapakanang pangkaunlaran ng bansa, ani Xi. Hindi rin aniya dapat maling tasahin ng sinuman ang malinaw na signal na inilabas ng pamahalaang Tsino sa isyu ng Hong Kong.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |