Kaugnay ng pahayag kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina tungkol sa kalagayan ng Hong Kong, sinabi ng mga personahe mula sa iba't ibang sirkulo ng rehiyong ito, na ipinakikita ng pahayag sa daigdig ang matatag na determinasyon ng pamahalaang sentral, na igarantiya ang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, at pangalagaan ang soberanya, seguridad, at interes sa pag-unlad ng bansa.
Sinabi rin ng mga personahe, na sa ilalim ng pahayag na ito, magbubuklod ang mga mamamayan ng Hong Kong, para mas matatag na suportahan ang pamahalaan ng Hong Kong sa pagpapatigil ng karahasan at kaguluhan.
Salin: Liu Kai