Ang pahayag kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina tungkol sa kalagayan ng Hong Kong ay nakakatawag ng malaking pansin ng komunidad ng daigdig. Ipinahayag ng mga dalubhasa ng Rusya, Malaysia, Kambodya, Hapon, Nepal, New Zealand, at ibang mga bansa, na dapat bantayang mabuti ang pagiging terorismo ng karahasan sa Hong Kong, at ang kasalukuyang pinakapangkagipitang tungkulin ay ang pagbibigay-wakas sa karahasan at kaguluhan.
Sinabi ng mga dalubhasa, na ang Hong Kong ay di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina, at dapat igiit ng Tsina ang "Isang Bansa Dalawang Sistema." Pabor din sila sa paninindigan ng Tsina, na hindi dapat makialam ang mga puwersang dayuhan sa suliranin ng Hong Kong.
Salin: Liu Kai