Ipinahayag kamakailan ng mga dalubhasa ng Jordan at Serbia ang pagkatig sa pahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina tungkol sa kalagayan ng Hong Kong. Ipinalalagay nilang, dapat igiit ang patakarang Isang Bansa Dalawang Sistema, at ito ay mahalaga para sa pangangalaga sa soberanya, seguridad, at interes sa pag-unlad ng Tsina.
Ipinahayag din ng mga dalubhasa, na dapat bigyang-wakas sa lalong madaling panahon ang karahasan at kaguluhan sa Hong Kong, para panumbalikin ang katatagan at kaayusan.
Salin: Liu Kai