Ayon sa datos na isinapubliko Lunes, Nobyembre 18, 2019 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula noong Enero hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon, aktuwal na nakamit ng Tsina ang mahigit 752.4 bilyong Yuan, RMB na pondong dayuhan. Ito ay mas malaki ng 6.6% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ayon kay Zong Changqing, Puno ng Departamento ng Pondong Dayuhan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na magkakahiwalay na lumaki ng 10.5%, 56.2%, 31.7%, at 23.9% ang nakaakit na pamumuhunan ng Chinese mainland mula sa rehiyon ng Hong Kong, rehiyon ng Macao, Singapore, at Timog Korea. Bukod dito, magkahiwalay ding lumaki ng 19.3% at 22.1% ang naakit na pondo mula sa mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road," at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Salin: Li Feng