Idinaos ang Kauna-unahang Summit na Akademiko sa Pananaliksik na Pangkultura at Pansining ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), nitong Sabado, Nobyembre 16, sa Chengdu, lunsod ng lalawigang Sichuan sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Kalahok dito ang sandaang dalubhasa, mananaliksik, guro at estudyante mula sa sektor na pansining at iba't ibang pamantasan ng Tsina na gaya ng College of Chinese and ASEAN Arts ng Chengdu University, Peking University, Tsinghua University, Communication University of China, at iba pa.
Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa pagpapasulong ng koordinasyong pag-unlad ng edukasyon, pananaliksik, at pagpapalitang pansining; at pag-unlad ng mga kurso at disiplinang pansining at pagtatatag ng mga sistema ng pananaliksik na pansining, sa ilalim ng pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI), kasama ng mga bansang dayuhan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio