|
||||||||
|
||
Sa kanyang paglahok sa Ika-11 BRICS Summit na natapos nitong Huwebes, Nobyembre 14, inulit ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang paninindigan ng pamahalaang Tsino sa kalagayan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR). Ipinagdiinan niyang ang pinakapangkagipitang tungkulin sa Hong Kong ay ang pagtigil ng karahasan at pagpapanumbalik ng kaayusan.
Para maisakatuparan ang naturang layunin, muling ipinahayag ni Xi ang buong-tatag na suporta sa pangangasiwa ng pamahalaan ng HKSAR ayon sa batas, suporta sa pagpapatupad ng batas ng kapulisan ng Hong Kong, at suporta sa pagpapataw ng kaparusahan ng mga departamentong hudisyal ng Hong Kong sa mga may kagagawan ng krimen.
Masasabing ang nasabing tatlong "buong-tatag na suporta" mula sa pamahalaang sentral ng Tsina ay nagsisilbing garantiya sa paglutas sa kasalukuyang kaguluhan sa Hong Kong.
Kitang-kitang nitong limang buwang nakalipas, sa pang-uudyok ng mga puwersang naglalayong ihiwalay ang Hong Kong mula sa inang-bayan, ginagawa ng mga radikal ang iba't ibang krimen na gaya ng paghahadlang sa transportasyon, paninira at panununog sa mga pasilidad na pampubliko, pag-atake sa mga pulis, inosenteng mamamayan at dayuhan, at iba pa. Dahil sa nabanggit na karahasan, nasawi ang isang 70 tanong gulang na manggagawa ng Food and Environmental Hygiene Department ng Hong Kong makaraang magdusa sa matinding sugat.
Ang pangangasiwa ayon sa batas ay nukleong pagpapahalaga ng Hong Kong. Ang mga karahasan ng mga radikal ay yumuyurak sa nasabing pagpapahalaga. Nakakapinsala rin ang mga ito sa kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, at nagsisilbing hamon sa bottlomline ng pakatarang Isang Bansa Dalawang Sistema. Sa teritoryong Tsino, hinding hindi pahihintulutan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang pagpapatuloy ng nasabing krimen.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |