Kinumpirmang namatay nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 14, ang matandang manggagawa ng sanitasyon ng Hong Kong sa ospital, makaraang tamaan ang ulo niya ng ladrilyong inihagis ng mga naka-maskarang rioter. Ito ang unang insidente ng pagkamatay ng inosenteng mamamayan sapul nang maganap ang kaguluhang dulot ng iminungkahing pagsususog sa Extradition Bill ng mga kriminal. Kinasela na pamahalaan ng Hong Kong ang pagsususog sa naturang ordinansa.
Ang 70 taong gulang na manggagawa ng Food and Environmental Hygiene Department ay nasawi sa Prince of Wales Hospital, makaraang dumanas ng matinding sugat. Tinamaan siya sa ulo habang nanananghalian sa North District Town Hall sa Sheung Shui, Hong Kong.
Taliwas sa kanilang mga nauang ulat na nagtangkang pagandahin ang karahasan sa pangangatwiran ng demokrasya, nagsimula nang iulat ng mga media na Kanluranin na gaya ng BBC, CNN, at New York Times ang karahasan ng mga rioter. Kasabay nito, nanahimik din si Nancy Pelosi, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Amerika, sapul nang magsimulang kumalat ang karahasan sa Espasya, Chile at New York ng Amerika. Nauna rito, inilarawan ni Pelosi ang karahasan sa Hong Kong bilang "magandang tanawin" o "beautiful sight."
Gayunpaman, ang pagkamatay at pagkasugat ng mga inosenteng mamamayan, ang kaguluhan at malaking pinsalang pangkabuhayan ng Hong Kong ay nagpapatunay na hindi mabubura ang "orihinal na kasalanan" ng mga media at politikong Kanluranin dahil sa kanilang di-tunay na pag-ulat at suporta sa karahasan.
Salin: Jade
Pulido: Mac