Ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pinakapangkagipitang tungkulin sa Hong Kong ay ang pagtigil ng karahasan at pagpapanumbalik ng kaayusan.
Sa kanyang paglahok sa Ika-11 BRICS Summit na natapos nitong Huwebes, Nobyembre 14, inulit ni Xi ang paninindigan ng pamahalaang Tsino sa kalagayan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Saad ni Xi, ang walang-tigil na karahasan at kaguluhang nagaganap sa Hong Kong nitong ilang buwang nakalipas ay yumuyurak sa pangangasiwa ayon sa batas, at nakakapinsala sa kasaganaan at katatagan ng rehiyon. Bukod dito, nagsisilbi rin itong hamon sa bottomline na "Isang Bansa Dalawang Sistema."
Ipinahayag ni Xi ang buong-tatag na suporta sa pangangasiwa ng pamahalaan ng HKSAR ayon sa batas, pagpapatupad ng batas ng kapulisan ng Hong Kong at pagpapataw ng kaparusahan ng mga departamentong hudisyal ng Hong Kong sa mga may kagagawan ng krimen. Ipinahayag din ni Xi ang pagtutol sa panghihimasok ng mga puwersang dayuhan sa mga suliranin ng Hong Kong.
Salin: Jade
Pulido: Mac