Ginanap Lunes ng hapon, Nobyembre 18, 2019 sa Bangkok, Thailand ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Defence Ministers' Meeting (ADMM)-Plus. Dumalo at nagtalumpati sa pulong si Wei Fenghe, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina.
Sinabi ni Wei na ang "komon, komprehensibo, kooperatibo at sustenableng" bagong ideolohiyang panseguridad na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay nagkaloob ng bagong ideya para sa paglikha ng isang landas ng seguridad na may komong pagsisikap, pagbabahaginan, at win-win situation. Dapat aniyang palakasin ng iba't ibang bansa ang pagtitiwalaan, isagawa ang diyalogo't pagsasanggunian, at pag-ukulan ng pansin ang kaunlaran, para maisakatuparan ang komon, komprehensibo, kooperatibo at sustenableng seguridad.
Dagdag ni Wei, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng iba't ibang bansa, na pasulungin ang konstruksyon ng mekanismo ng ADMM-Plus, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, pasulungin ang pagtatatag ng community with a shared future for mankind, at pangalagaan ang seguridad, katatagan, at pangmalayuang kapayapaan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Pinagtibay sa pulong ang magkakasanib na pahayag ng ADMM-Plus hinggil sa pagpapasulong sa sustenableng kooperasyong panseguridad. Salin: Vera