|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Martes, Nobyembre 19 ng mga dalubhasang pambatas ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na hindi kapani-paniwala ang hatol ng Mataas na Hukuman ng Hong Kong na may kinalaman sa Emergency Regulations Ordinance. Hindi rin ito nakakatulong sa pagtigil sa karahasan at pagpapanumbalik ng kaayusan sa Hong Kong.
Alinsunod sa Emergency Regulations Ordinance, inilabas ng pamahalaan ng HKSAR ang Prohibition on Face Covering Regulation nitong nagdaang Oktubre.
Ayon naman sa hatol ng Court of First Instance ng Mataas na Hukuman ng HKSAR, ilang probisyon ng nasabing ordinansa ay hindi tumatalima sa Saligang Batas ng Hong Kong, kaya, hindi ito balido.
Sinabi ni Leung Mei-fun, miyembro ng HKSAR Basic Law Committee na ang Emergency Regulations Ordinance ay pinaiiral bilang batas ng Hong Kong, alinsunod sa Artikulo 160 ng Saligang Batas ng HKSAR. Nanawagan siya sa pamahalaan ng HKSAR na mag-apela laban sa naturang hatol, dahil ang punong ehekutibo ay may obligasyon at kapangyarihang magpairal ng naturang ordinansa laban sa kaguluhang panlipunan ng Hong Kong at mababasa ito sa Saligang Batas.
Ipinalalagay naman ni Ma Yan-kwok, barrister at tagapangulo ng Hong Kong Legal Exchange Foundation na ang hatol ng Mataas na Hukuman ay nagbibigay lamang ng pansin sa pangangailangan ng iilang demonstrador, at pinababayaan ang karapatan ng publiko sa pagkakaroon ng normal na pamumuhay na di-apektado ng mga nakamaskarang manggugulo.
Ipinalalagay rin ni Solicitor Wong Ying-ho na ang hatol ay sumusuporta sa mga manggugulo. Iminungkahi niya sa pamahalaan ng Hong Kong na magbuo ng espesyal na hukuman para mapabilis ang paglutas sa mga kasong may kinalamaan sa marahas na insidente.
Salin: Jade
Pulido: Mac
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |