Ipinahayag Martes, Nobyembre 19, 2019 ni Yang Guang, Tagapagsalita ng Tanggapan sa mga Suliranin ng Hong Kong at Macao, ng Konseho ng Estado ng Tsina ang mariing pagkabahala sa grabeng negatibong epekto sa lipunan na dulot ng paglilitis ng Mataas na Hukuman ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) hinggil sa judicial review sa Prohibition on Face Covering Regulation.
Ani Yang, sapul nang isagawa ang nasabing regulasyon, pinatingkad nito ang positibong papel para sa pagpigil sa kaguluhan. Aniya, ang paglilitis ng Mataas na Hukuman ng HKSAR ay lantarang humahamon sa awtoridad ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), at administratibong kapangyarian ng punong ehekutibo na kaloob ng batas, at magbubunsod ng grabeng negatibong epektong panlipunan at pampulitika.
Umaasa aniya siyang mahigpit na ipapatupad ng pamahalaan at organo ng hudikatura ng HKSAR ang tungkulin alinsunod sa saligang batas, at magkasamang isasabalikat ang responsibilidad sa pagpigil sa kaguluhan at karahasan, at pagpapanumbalik ng kaayusan.
Salin: Vera