Kaugnay ng paglilitis ng Mataas na Hukuman ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) hinggil sa judicial review, nagpahayag Martes, Nobyembre 19, 2019 ng mariing pagkabahala si Zang Tiewei, Tagapagsalita ng Legislative Affairs Commission ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.
Saad ni Zang, ginawa nitong Lunes ng Mataas na Hukuman ng HKSAR ang isang paglilitis kung saan ang ilang probisyon ng Emergency Regulations Ordinance ng Hong Kong ay dinisisyonang hindi tugma sa saligang batas ng Hong Kong, kaya walang bisa ang kaukulang probisyon. Ayon pa sa kanya, ilang deputado ng NPC ang nagpahayag din ng matinding kawalang kasiyahan dito. Maliban pa riyan, isiniwalat din ng Legislative Affairs Commission ang mariing pagkabahala sa usaping ito.
Diin ni Zang, ang konstitusyon at saligang batas ay pundasyon ng sistemang konstitusyonal ng HKSAR. Ang Pirmihang Lupon ng NPC ay siyang tanging organo na may kapangyarihan sa paggawa ng pagtasa at desisyon hinggil sa kung ang batas ng HKSAR ay tugma o hindi sa saligang batas, aniya.
Dagdag ni Zang, ang kaukulang paglilitis ng hukuman ng HKSAR ay grabeng nagpahina ng kapangyarihan sa pangangasiwa ng punong ehekutibo at pamahalaan ng HKSAR, at hindi ito angkop sa saligang batas ng Hong Kong at alituntunin ng kaukulang kapasiyahan ng pirmihang lupon ng NPC.
Salin: Vera