Itinaguyod nitong Lunes, Nobyembre 18, 2019 ni Liu Xiaoming, Embahador ng Tsina sa Britanya, ang preskon hinggil sa mga isyung may kinalaman sa Hong Kong. Ito ang ika-3 preskon ng Embahada ng Tsina sa Britanya sapul nang sumiklab ang pangyayari sa Hong Kong.
Saad ni Liu, sa kanyang pagdalo sa Ika-11 Summit ng BRICS (Brazil, Rusya, India, China at South Africa) noong nagdaang 4 na araw, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang solemnang paninindigan ng pamahalaang Tsino sa kasalukuyang kalagayan ng nasabing teritoryo. Ito aniya ay pinaka-autorisadong tinig ng pamahalaang sentral ng Tsina sa kasalukuyang kalagayan ng Hong Kong at lunas sa hinaharap.
Diin ni Liu, ang esansyal na isyu ay pagsira ng mga ekstrimistong radikal sa pangangasiwa alinsunod sa batas at kaayusang panlipunan ng Hong Kong, sa halip ng umano'y demokrasya at kalayaan. Ang mga radikal na karahasan at krimen ay hindi lamang grabeng nakasira sa kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, kundi humahamon din sa baseline ng simulaing "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Dagdag niya, ang pagpapanatili ng kasaganaan at katatagan ng Hong Kong at pangangalaga sa "Isang Bansa, Dalawang Sistema" ay angkop sa kapakanan ng Tsina, pati rin sa komong kapakanan ng iba't ibang bansa na kinabibilangan ng Britanya. Umaasa aniya siyang kakatigan ng mga personahe ng iba't ibang sirkulo ng Britanya ang aksyon ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) sa pagpigil sa kaguluhan at karahasan, pagpapanumbalik ng kaayusan, at pangangalaga sa pangangasiwa alinsunod sa batas, at tututulan ang anumang aksyon at pananalita na nakikialam sa suliranin ng Hong Kong.
Salin: Vera