Bilang tugon sa pagpasa ng Senado ng Amerika sa Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019, inilabas ng Radio The Greater Bay ng China Media Group (CMG) ang komentaryong pinamagatang "Labis na Mahaba ang Maruming Braso ng Panghihimasok ng mga Politikong Amerikano."
Anang komentaryo, saanmang umabot ang braso ng mga politikong Amerikano, nagiging magulo ang lugar. Matatandaang nang umabot sa Iraq ang kanilang kamay, nasadlak sa kailaliman ng pagdurusa ang mga mamamayang Iraqi; nang dumating ang kanilang kamay sa Ukraine, ang mga mamamayan ng bansa ay biglaang naging pinakamahirap sa Europa; makaraang umabot sa Syria ang kanilang kamay, nauwi ito sa refugee crisis at maraming mamamayang Syrian ang nasawi sa karagatang Mediterranean.
Ngayon naman, umabot sa Hong Kong ang kanilang kamay. Pero, mabibigo ang kanilang tangka. Ang Hong Kong ay Hong Kong ng Tsina. Hinding hindi pahihintulutan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang panghihimasok sa mga suliraning panloob ng mga puwersang dayuhan. Kung itutuloy ng mga politikong Amerikano ang ganitong gawa, magsasagawa ang Tsina ng katugong hakbang para mapangalagaan ang soberanya, kaligtasan at interes ng pag-unlad ng bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac