Ipinahayag ngayong araw, Huwebes, ika-21 ng Nobyembre 2019, ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), ang buong lakas na pagtutol sa pagpapatibay ng Kongreso ng Amerika ng Hong Kong Human Rights and Democracy Act at isa pang panukalang batas hinggil sa Hong Kong.
Ayon sa tagapagsalita ng pamahalaan ng HKSAR, sa pamamagitan ng dalawang panukalang batas na ito, ang Amerika ay hindi lamang nakikialam sa suliraning panloob ng Hong Kong, kundi nagpalabas din ng maling signal sa mga marahas na demonstrador. Ito aniya ay hindi makakabuti sa paghupa ng kalagayan ng Hong Kong.
Dagdag pa ng tagapagsalita, umaasa ang pamahalaan ng HKSAR, na buong ingat na hahawakan ng pamahalaang Amerikano ang naturang dalawang panukalang batas, para iwasan ang pagiging batas ng mga ito.
Salin: Liu Kai