Sinimulan ngayong umaga, Linggo, ika-24 ng Nobyembre 2019, ang pagboto ng District Council Ordinary Elections ng Hong Kong. Kaugnay nito, inilabas ng Radio The Greater Bay ng China Media Group (CMG) ang komentaryo bilang panawagan sa lahat ng mga taga-Hong Kong na may malasakit sa kinabukasan ng rehiyong ito, na aktibong bumoto sa halalan, para bigyang-wakas ang karahasan at iligtas ang Hong Kong sa pamamagitan ng boto.
Anang komentaryo, nasa likod ng kasalukuyang kalagayan ng Hong Kong ang mga tauhang may masamang motibo, at lumilikha sila ng pagkakasalungatan sa pagitan ng mga mamamayan ng Hong Kong, para tupdin ang sariling kapakanang pulitikal. Ang ganitong mga tauhan ay hindi dapat manatili sa district council o maging bagong mambabatas, diin ng komentaryo.
Sa kabilang banda, dapat anitong maging mambabatas ang mga kandidatong nagpapahalaga sa pamumuhay ng mga taga-Hong Kong at panlahat na kapakanan ng rehiyong ito. Nanawagan ito sa mga botante, na samantalahin ang halalang ito, para ibalik ang magandang kinabukasan ng Hong Kong.
Salin: Liu Kai