Great Hall of the People, Beijing—Nakipagtagpo nitong Lunes, Nobyembre 25, 2019 si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, sa delegasyon ng partidong United Russia na pinamumunuan ni Boris Greizlov, Tagapangulo ng Kataas-taasang Komisyon ng nasabing partido.
Ipinahayag ni Xi na bilang mga naghaharing partido ng sarili nilang bansa, isinasabalikat ng CPC at United Russia ang responsibilidad at misyon ng pagpapasulong sa mas malaking pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso sa bagong panahon. Umaasa aniya siyang sa gaganaping ika-7 pulong ng mekanismo ng diyalogo ng mga naghaharing partido ng Tsina at Rusya, lubos na makikipagpalitan at makikipag-ugnayan sa isa't isa ang mga kalahok na kinatawan ng kapuwa panig, upang bigyan ng katalinuhan at puwersa ang pagpapalalim ng komprehensibo't estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa, at pagpapasulong sa kapayapaan at katatagan ng daigdig.
Ipinahayag naman ni Greizlov ang kahandaan ng kanyang partido na palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa CPC, at pag-ibayuhin ang komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng Tsina at Rusya sa bagong panahon.
Salin: Vera